Monday, June 25, 2012

Human Trafficking - A Shocking Revelation by a Pinay Househelper

This is a real account by a Filipina who went abroad in the hopes of working as a househelper, oblivious to the fact of what was to happen to her.  While some find good opporturnities, there are others who do not end as fortunate - others who end up being abused, locked and/or maltreated. 

The narrator hails from the Visayas and was a graduate of a nursing aide degree when she took the offer to work abroad.  She was then 28, single, and was the eldest among 4 siblings.  Not surprisingly, she was the family's breadwinner and was the source of her family's pride.  The story is narrated in Pilipino and has been translated into English to give foreign readers a better appreciation of the accounts that happened to Serina, whose identity she has requested to conceal for this story.

Marami talaga sa lugar namin ang naghahanap ng trabaho abroad.  Sa amin kasi, kung maganda ka, dapat foreigner ang mapangasawa mo.  Kung hindi ka naman kagandahan, magtrabaho ka na lang sa ibang bansa.  Marami dito sa min ang gumanda ang buhay ng makapangasawa ng banyaga.  Kahit matanda ang napangasawa, ok lang, maganda naman ang bahay at minsan may negosyo pa.

Mas pinili ko magtrabaho na lang sa ibang bansa para gamitin ang kursong natapos ko (nursing aide).  Nagpursige ako na makatapos ng kahit vocational at ayaw kong iasa sa ibang tao ang ika-gaganda ng buhay namin.

May nirekomenda ang kapitbahay namin na agency sa Maynila.  "Pay Now, Fly Later" scheme sila at siguradong lipad agad.  Sa konting naipon ko sa pagta-trabaho sa health center, sumugal ako at lumuwas sa Maynila.  Tumira ako sa tiyahin ko na nandoon sa Maynila. 

Isang apartment ang address na binigay sa 'kin ng kaibigan ko.  Doon ko nakilala si Mrs. Quebrado, ang may-ari ng agency.  Hiningi nya ang resume ko at nabasang nakapag-tapos nga ako ng vocational. 

"Ok 'to.  Alam mo, plus points ito sa abroad," paliwanag nya.  Kailangan mailakad na natin ang pasaporte mo para makalipad ka na agad."

Sa tulong ni Mrs. Quebrado, nai-ayos ko ang NBI, medical clearance at pasaporte ko.  Halos dalawang buwan namin kinumpleto ang mga 'to.  Nang makumpleto, tinanong niya ko kung kailan ko gustong lumipad at naghihintay na ang employer ko sa Bangkok.  Isang pamilyang Intsik daw ang tutuluyan ko doon, at mababait daw yun.  Sabi ko na lang, kahit kailan pwede na.  Paano ang pamasahe?

"Hija, "fly now, pay later" dito.  Ang boss mo na ang magre-remit ng ginastos namin sa 'yo."  Inis-skedyul ang lipad ko sa isang linggo.  Masaya ako na sa wakas, matutupad na ang plano kong mag-abroad at makapag-ipon. 

Isang maliit na maleta ang dala ko sa paglipad.  Kung sa gastusin, wala daw akong po-problemahin at may sasalubong sa 'kin doon sa airport.  Halong nerbiyos at saya ang naisip ko sa loob ng eroplano.  Nagpasalamat ako sa Diyos ng mga sandaling iyon sa biyayang nakaalis agad ako ng Pilipinas.

Makalipas ng tatlong oras, lumapag na ang eroplano sa Bangkok.  Tulad ng sinabi ni Mrs. Quebrado, nandoon ang sundo ko, isang maliit na lalaki na hawak ang isang karatulang may pangalan ko.  Nilapitan ko sya.  Sa simpleng Ingles, tinanong ko siya kung saan ang boss namin. 

"Go to Mr. Chen," sagot ng lalaki sa 'kin. Sumakay kami sa kotse at tahimik naming tinahak ang Bangkok.  Malayo sa lungsod ang bahay na pinuntahan namin.  Mataas ang bakod at walang katabing bahay ito. 

Bitbit ng lalaking sumundo sa 'kin ang maleta ko.  "Stay here. Mr. Chen will come," paliwanag nya habang iniwan niya kong nakatayo sa salas.

Madalim at luma ang buong kabahayan ni Mr. Chen.  Mula sa isang sulok ng bahay lumabas ang isang matandang lalaki, na tinitigan ako mulang ulo hanggang paa.

"I am Mr. Chen.  You will work here for  a short while," sabi niya. "What experience do you have?"

"I am a health worker back home," sagot ko.

"What else you know?" tanong niya ulit.  

"I can take care of children, if you have children."

"That is not nature of your work.  But we'll see," sagot niya ulit sa kin.  Inikutan nya ako ng dahan-dahan, tinignan ang damit ko, maleta at kung ano pa.  "You have good skin."

"Pran will show you your room. Tea is served for you.  You must take rest.  We will talk tomorrow" utos niya ulit.  Lumapit ang lalaking sumundo sa kin na si Pran at agad kinuha ang dala kong maleta.  Wala akong nagawa kundi sundan si Pran papalabas ng bahay.


Isang compound ang bahay ni Mr. Chen at may dalawa or tatlo sigurong nakatayong bahay dun.  Dinala ako ni Pran sa isang kwarto katabi ng malaking bahay.  Walang pintura o kahit anong disenyo ang buong bahay.  Walang gamit sa loob ng kwarto ko kundi isang kama, upuan at lamesa.


Dito na binaba ni Pran ang maleta.  "Stay here. I will send for tea," sabi nito at umalis agad ng bahay.  Bumalik siya matapos siguro ng mga ilang sandali na may hawak na iced tea. 

"Here, you must drink this."  Kinuha ko sa kanya ang baso at inubos lahat ang laman nito.  Nagpasalamat ako at ngumiti kay Pran.  Di man lang siya nagpaunlak ng ngiti.

Inayos ko ang mga gamit sa maleta ko at naupo sa silya.  Di man maganda ang loob ng bahay, siguro naman ok boss ko.  Ok na rin ako.  Nilabas ko ang cell phone ko sa bag para magtext kina Nanay para sabihing nakarating na ko sa Bangkok.  Ilan na lang ang laman ng load ko sa cell phone, pero sabi ko, may kikitain na ko sa mga susunod na araw kaya ok lang na makipag-kwentuhan sa mga kapatid ko.

Mga ilang sandali pa, tumayo na ko.  Papalabas na ko ng silid ng simula kong maramdaman ang pagkakahina.  Si Mr. Chen ang huli kong nasulyapang papalapit sa 'kin nang tumumba na ko sa sahig...

TO BE CONTINUED.