Sunday, July 15, 2012

Human Trafficking - A Shocking Revelation by a Pinay Househelper (PART 2)

Kahit sa panghihina ko, may ilan beses din ako nagising.  Naramdaman kong may nakapatong sa 'kin na itom na lalaki (black man).  May ginagawang kahalayan sa 'kin, pero wala akong magawa.  Nawalan ako ulit ng malay. 

Di ko alam kung gaano katagal ako nakatulog.  Madilim na sa kwarto ng gumising ako.  Naramdaman ko ang pananakit ng buong katawan ko.  Wala na rin akong damit sa katawan.  Napaiyak na lang ako sa nangyari.  Sinubukan kong buksan ang kwarto ko pero sinara ito sa labas.  Sa pagkakataong iyon, natakot ako na baka kung ano pa ang mangyayari sa 'kin.  Dahan-dahan akong nag-suot ng damit na nagkagulo sa sahig.

Mga ilang oras pa, bumukas ang pinto ko.  Pumasok sa loob si Mr. Chen, kasama ang isang matandang babae na may bitbit na isang bowl na noodles.  Inalok ito sa 'kin. Ayaw ko sanang tanggapin pero gutom na rin ako.  Naki-usap ako sa amo ko, "Please Mr. Chen, I want to go home."

Tumaas ang kilay ni Mr. Chen.  "No, you not go home.  I pay good price for you, now you will work for me."

Naiyak ako sa kanyang sinabi.  "Please, please, take me home.  I will pay you back."

Umiling lang ito.  "No pay.  I will send you to another client.  Driver pick you up tomorrow," paliwanag niya.  Lalo bumuhos ang luha ko sa kanyang sinabi.  Umpisa pa lang yun ng aking paghihirap.  Dali-daling lumabas ng kwarto si Mr. Chen at ang katulong.

Tinignan ko ang mga gamit ko at nalamang wala doon ang pasaporte ko.  Lahat ng importanteng dokumento ko, wala.  Kinuha ni Mr. Chen ang mga ito.  Di ko rin magamit ang cellphone ko at wala nang laman ito.  Umasa pa rin ako na kahit papaano, makakatakas ako sa compound na 'yon.

*****

Nagising ako ng kinaumagahan sa kalampag sa bahay.  Bumukas ulit ang pinto ko at pumasok si Mr.Chen na may kasamang isang malaking lalaki.  Puti ang lalaki, di ko malaman kung saan galing sya at malalim ang Ingles niya.  Nag-usap sina Mr. Chen at ang lalaking iyon, di ko maintindihan kung anong transaksyon iyon.  May inabot na sobre ang lalaki kay Mr. Chen na agad naman niyang kinuha at binulsa. 

Lumapit ang lalaking puti at may nilabas na injection sa kanyang kamay. Wala akong magawa ng ipasok niya sa 'kin ang gamot sa 'kin.  Agad ko ulit naramdaman ang pagkakahilo. 

Malabo na sa kin ang mga sumunod na pangyayari.  Di ko alam kung paano ang naging byahe ko gayong hilong-hilo ako.  Basta ang alam ko, paggising ko nasa ibang lugar na ko.  Mas mainit sa Bangkok ang lugar na ito.  Mas simple ang bahay doon at parang tuyo sa labas.

Nang sumilip ako sa bintana ay puro mga itom ang nasa labas.  Lalo akong natakot.  Hindi ko na alam kung saan ako dinala.  May mga batang naglalaro sa labas ng bahay.  Sinitsitan ko ang isa at lumapit ito.  Pinilit kong itanong kung saan ako pero hindi nya maintidihan ang Inggles.  May nakakita sa 'ming matandang babae at lumapit.

"Where is this?" tanong ko.

Sagot niya sa malalim na Ingles, "you are in Moorreesburg, Western Cape."

"Where is Western Cape?" tanong ko ulit.

Nagulat ang matanda sa tanong ko. "Child, Western Cape is in South Africa."

Napaiyak ako sa sinagot niya sa 'kin.  Pakiramdam ko, sobrang layo ko na sa pamilya ko sa Pilipinas.  Ni hindi ko alam kung paano ako makakatakas dito, at kung saan dapat ako patutungo.


ITUTULOY





 

No comments:

Post a Comment